Patalastas

April 1st, 2008 by i-stynx

Kinaroroonan: Silid
Petsa: Martes, Ika-isa ng Abril
Oras: Alas-Kwatro Dalawa ng Hapon
Kasalukuyang Pakiramdam: Ina-antok

Sapagkat ako ay tinatamad kahit na kailangan kong sumulat, lalagyan ko na lang ng patalastas itong paskil na ito…

http://pagnanasa.blogspot.com

ayan, hehehe!

Barkada

February 29th, 2008 by i-stynx

Kinaroroonan: Silid
Petsa: Biyernes, Dalawampu’t-Siyam ng Pebrero
Oras: Alas-Kwatro Apatnapu’t-Walo ng Gabi
Kasalukuyang Pakiramdam: Masaya

Ako ay muling nagbabalik para sa isa na namang sapot-tabla walang katulad, walang kawangis at walang saysay. Tulad ng dati, muli ay nais kong magpasalamat sa inyo, aking mga masusugid na mambabasa, na hindi nagsasawa sa pangtangkilik, pag-unawa, pag-usisa at pagtuligsa ng aking mga sulatin.

Itong buwan ng mga puso at mga sawi ay naging maabala (busy) para sa akin. Sa pagbabalik ng kakaiba (Freak) dito sa lupang sinilangan, hindi na kami nagsayang ng oras at agarang tinahak ang landas paakyat sa Baguio upang dalawin ang kanilang pamilya at mga kaibigan. Sa loob ng kulang-kulang sampung araw na pamamalagi dun, natural lamang na magkaroon ng mga eksena at pangyayari na daragdag sa lupon ng mga walang halagang (priceless) ala-ala. At ngayong muli akong nakauwi at nakaharap sa aking tagakalkula, naisip ko bigla kung paano nga ba nabubuo ang pagkakaibigan. At dahil sa kaisipang iyon, ilalahad ko ang kasaysayan kung paano ko nakilala ang aking mga kasalukuyang pinakamalalapit na kaibigan.

Totoy Baguio (Baguio Boys)

Ito ang barkadahan na binubuo ng mga dating binatilyo na minsang naninirahan sa lupain ng Baguio. Nakakatawang isipin na naging bahagi ako ng malaking samahang ito kahit hindi ako naninirahan sa Baguio. Hehehe! Nagsimula ito ng nalipat sila Aso (Doug) ng tirahan dito sa Maynila. Si Aso ay aking pamangkin subalit hindi nalalayo ang aming edad, parehas pa kami ng mga hilig katulad na lamang ng Larong Hintayan (Play Station), Mahikang Baraha (Magic Cards) at Tagakalkula kaya’t madali kaming nagkasundo. Halos araw-araw ay nagpupunta ako sa kanilang bahay o siya sa amin upang maglaro. Lagi nyang nababanggit sila Ulo (DickHead), Daga (Rat), Kakaiba at ang buhay nila sa Baguio. Dati ko ng kilala ang makapatid na Ulo at Daga subalit hindi ko pa sila noon kaibigan, simpleng magkamag-anak lamang ang turing namin sa isa’t-isa. Di lumaon, muli kong nakilala ang magkapatid na Ulo at Daga, pagkatapos ay naranasan kong tumungtong sa Baguio at doon ko sumunod na nakilala ang Kakaiba at ang kanyang mga kapatid, pagkatapos ay ang iba pa nilang mga kaibigan hanggang sa ako ay unti-unting naging bahagi ng kanilang samahan. Sa paglipas ng mga taon, marami na ring mga pagbabago ang nagdaan. Umalis si Aso ng bansa, nagtapos kami ng pag-a-aral, naghanap-buhay bilang mga tagabigay ng aliw (Call Boy), may mga tumigil sa trabaho *ehem*, umalis ng bansa (Kakaiba) at nanatiling tagabigay ng aliw (Ulo). Hehehe!

Bi-Es-Si-Es (BSCS)

Ito naman ang samahan na naitatag noong ako ay nag-a-aral pa sa kolehiyo. Naalala ko tuloy ang unang pagkakataon na ako’y pumasok sa aming silid-aralan, noong simula ay wala akong kakilala ni isa sapagkat wala akong kamag-aral mula sa mataas na paaralan (High School) kaya naisip ko na ang pagkaka-ibigan ay magiging mahirap. Maniwala kayo o hindi, mahiyain pa ako noon (ASA) hehehehe. May maliit na laruan ng kompyuter malapit sa aming paaralan na aking naging munting tambayan, doon ay nakilala ko si Leonard (siya ung ungas na dhafu na laging tumutuligsa sa aking sapot-tabla), napansin ko na naglalaro siya ng Hulmahan ng mga Tala (StarCraft) kaya naglakas loob ako na alukin siya na kami ay mag-tuos at magtagisan ng lakas. Gamit nya noon ay ang lahi ng mga insektong taga-ibang planeta (Zerg) samantalang ako naman ay gumamit sa lahi ng mga mamayan ng mundo (Terran), nagunita ko na nilampaso ko cia hindi lang isa, kundi maraming beses. Simula noon ay sumamba siya sa aking angking kagalingan at nagsilbi bilang aking alalay sa loob ng mahabang panahon, nagbabakasakali na darating ang araw na matatalo nya rin ako sa laro na iyon at mababawi nya ang aking kanyang dangal na aking ibinasura at tinapaktapakan. wahahahaha!!!

Kahit anong lugar, pagkatapos ng aming naging sagupaan, nabanggit nya sa akin na may mga kamag-aral din kami na naglalaro ng laro na iyon sa kompyuter, halos lahat sila ay nilabanan ko, at doon nagsimula maitatag ang aming samahan… ang BI-ES-SI-ES (BSCS), ito ay nangangahulugan ng Dalubhasa sa Hulmahan ng mga Tala at Ibalik ang Taga (Bachelor of StarCraft and Counter-Strike), mga kataga na hango sa aming kurso at laro na kung saan kami ay minsang nag-hari sa Intramuros at likod ng Es Em Maynila (SM Manila). Ang orihinal na BI-ES-SI-ES ay binubuo ng mga pangalang:

FuckBoy -> Leoric -> K!ckAss
-666- -> B1 -> D’Bootcher
Masakit Ba? -> x
D’Sparil -> General
Descartes -> 0ne
Neo Fight -> Neo
Amakuza -> B2

Nang lumaon may mga nadagdag at nabawas sa ang aming mga miyembro. Ang pinakamalaking kasalanan na nagawa ng aming samahan ay ang pagpapahawak ng taga kalkula kay Rameses. Si Rameses ay dating isang normal na mamamayan, mahilig maglaro ng bayong bola (Basket Ball) at walang hilig sa taga-kalkula. Subalit nagbago ang lahat ng minsan ay pinaglaro namin siya ng Dalawang Demonyo (Diablo 2). Doon siya nagsimulang ma-adik ng lingid sa aming sa kaalaman at hindi nagtagal… na-abot nya ang estado ng kaadikan na katulad kung hindi ay higit pa ng katulad sa amin. Sa kasalukuyang panahon, mas adik na siya sa taga-kalkula kumpara sa kahit na sinong orihinal na miyembro ng Bi-Es-Si-Es. Hehehe!

Pahingahan ng Iris (Iris Lounge)

Dito nagsama-sama ang mga manyakis na mamamayan at opisyal ng paskilang pisara (Bulletin Board) na orihinal na itinaguyod para sa mga dating mamamayan ng Iris. Dito nabahiran ng malaswang kaisipan at balasubas na kaugalian ang dating sagradong katinuan ng inyong lingkod. Hehehehe! Ang lugar na ito ay minsang puno ng pulitika, away, tsismis at higit sa lahat ay usaping puno ng kabastusan na hindi angkop para sa mga musmos na pinamumunuan ni Panginoong Galit ng Abo (Lord Cinder Fury). Ako ay naging bahagi ng mga opisyal ng mundong ito at doon ay nakilala ko ng mas maigi ang mga tao sa likod ng mga pangalan. Nais ko sanang isa-isahing ipakilala ang mga nsabing opisyal subalit baka magbago ang inyong pagtingin sa kanila at wala ang mga respeto na mayroon kayo para sa kanila kaya hindi ko na lang gagawin. Hehehe!

Bagwis (Tempest) at iba pang manlalaro ng Pagkawasak ng Mundo sa Ibabaw Guhit (Ragnarok Online)

Ito naman ang samahan na itinaguyod ng Emperium at pinagtibay ng alak. Para sa nakararami, ang Pagkawasak ng Mundo (Ragnarok) ay isa lamang laro at wala ng iba. Subalit para sa mga manlalaro nito, ito ay isang panibagong lugar na walang pinag-iba sa ating bansa. Puno ng pulitika, manyakis, manloloko, reklamador at higit sa lahat, mga babae =D
Ang bagwis ay dating pinamumunuan ng silahis na nagngangalang Baratty, at mula sa kanyang mga galamay, lumago ang aming lupon. Pagkatapos ng ilang taon, bumaba sila mula sa pagiging pinuno, at pinalitan ng gurang na si Tatang. Doon ay lalong dumami ang aming mga alak at kasama ang isa pang silahis na nag-ngangalang Pupung, naging lalong mas dikit ang aming samahan. Ang aming pagsasama ay puno ng napakaraming tsismis, hiwaga, jomig, kababalaghan, sulutan, away, baklaan, kontrobersiya at marami pang baklaan. Subalit kahit anong pagsubo at pagsubok pa ang magdaan, sa tulong ng alak ay sama-sama namin yang i-indahin. Hindi lahat ng naging malapit na kaibigan ko sa laro ay nagmula sa Bagwis at mga ka-alyansa nito, may mga mangilan-ngilan din na galing sa kalabang lupon katulad na lamang ni Gani. Ayan pare ispesyal na banggit ka (special mention) =p

Mga Babae sa bawat grupo na nabanggit

Hindi buo ang samahan kung walang mga babae na bahagi nito, kaya naglagay ako ng hiwalay na lupon para sa kanila. Ngayon ay ipapakilala ko sila sa inyo at kung anong lupon sila kasapi.
Mula sa Bi-Es-Si-Es, nariyan si grace, si chacha at ang mga kasalukuyang kasintahan (at kabit) ng mga miyembro ng Bi-Es-Si-Es. Mula naman sa Totoy Baguio, nariyan si Sanggol. Para sa pahingahan ng Iris, nariyan sila Mika, Sarah, Maria, Itlog at Charmaine samantalang si Steph naman para sa Bagwis. Espesyal na bati naman para kay Fafa (Ann), ang kapatid ng dati kong mangingibig na sa kabila ng mga nangyari sa amin ng kanyang kapatid ay nanatili kaming dikit na magkaibigan. Idagdag ko na rin si Heather Louise sapagkat binanggit nya ung pangalan ko sa isa nyang sapot-tabla. Ayan tabla na tayo =p

Bagong Adhikain

January 26th, 2008 by i-stynx

Kinaroroonan: Silid
Petsa: Lingo, Dalawampu’t-Pito ng Enero
Oras: Alas-Singko Labin-Tatlo ng Umaga
Kasalukuyang Pakiramdam: -_-

Pagkatapos ng ilang gabing pakikinig sa musika ng bandang Puso na pinamagatang Mag-isa (Heart - Alone), heto ako ngayon at muli na namang nahaharap sa mga ekis-landas (crossroads) at kasalukuyang nagmumuni-muni kung nararapat ko pa rin bang ituloy ang mga yapak na aking sinimulan.

-Hanapbuhay

Matapos ang maikling pananatili sa bahay ni kuya, biglang nawala ang liwanag sa daan na aking tinatahak. Nagkamali ako sa pag-a-akalang iyon na ang simula ng isang maliwanag na kinabukasan para sa akin. Mali pala.. maling-mali. Ngayon ay muli akong naguguluhan sa landas na aking tatahakin para sa aking pag-unlad, ako ba ay maghahanap-buhay? O itutuloy ko ang planong mag-aral at kumuha ng mas mataas na pag-a-aral sa kursong Tagakalkulang Agham (Computer Science)? Kalaban ko ang oras, sapagkat sa bawat minutong nagdadaan, unti-unti ko ng nararamdaman ang aking pagtanda, at baka isang araw ay magising na lang ako at napaglipasan na ako ng panahon… Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw ko talaga ng mga ekis-landas.

-Pag-ibig

Matapos ang isang pangako na muli na namang kinalimutan, marahil ito’y nangangahulugan na hindi talaga cia nababagay para sa akin. Ayaw kong magsisi balang-araw at sabihing ‘kung ganito lang sana’, subalit sa palagay ko ay nagawa ko na ang kailangan kong gawin. Hindi naging madali para sa akin ang nagdaang panahon, pero tingin ko ay panahon na upang kalimutan ka. Paalam Maria, hanggang sa muli nating pagkikita.

-Mga bagong Adhikain

Dahil sa mga nagdaang mga pangyayari sa aking buhay, naisipan kong maghanap ng bagong ‘liwanag’ at mga ‘pangarap’ sapagkat mukhang malabo ng magkakatotoo yung mga kasalukuyang pangarap ko. Kailangan ko muna sila i-isantabi at bigyang diin ang mga bago kong adhikain para hindi na ako masyado manlumo. Narito ang ilan sa mga bago kong adhikain na magsisilbing ilaw sa aking bagong landas na tatahakin…

*Masid na LCD (LCD Monitor)
*Bagong Piraso ng Gitnang Pang-proseso (CPU)
*Maliit na Kamera (Digi-Cam)
*Makalikhang Zen (Creative Zen)
*Munting Telepono (Cellular Phone)
*Tatlong Di-Gumagalaw na Laro (Playstation 3)
*Motorsiklo
*Bagong Babae

teka.. tama na siguro to, kung ano-ano na naman pumapasok sa aking isipan…

Pagbabago

December 31st, 2007 by i-stynx

Kinaroroonan: Silid
Petsa: Sabado, Tatlumpu’t-Isa ng Disyembre
Oras: Alas-Sais Labin-Isa ng Gabi
Kasalukuyang Pakiramdam: Masaya

Ang bagong taon ay madalas na kaagapay din ng maraming pagbabago. Pagbabago hindi lamang sa pisikal na anyo kundi sa napakarami pang ibang mga bagay na bahagi ng ating pang araw-araw na buhay. Mga bagong kaibigan, bagong kaalaman, bagong kaaway, bagong pag-ibig, bagong mga damit at kagamitan, bagong pamilya, bagong pampalipas ng oras, bagong pantasya, bagong panaginip, mga bagong pagsubok at higit sa lahat… isang hinaharap na naglalaman ng mas marami pang ibang mga pagbabago. Ako ay isang tao na hindi natutuwa sa mga pagbabago, subalit ito ay isang bagay na dapat kong tanggapin. Na hindi lahat ng bagay o tao ay mananatili kung ano sila ngayon, sa nalalapit man o nalalayong hinaharap, tiyak na sila ay magbabago din. Kumbaga ay una-una lang, at katungkulan natin bilang isang nilalang na ayunan kung ano man ang mga pagbabagong magaganap. Ako nga, na isang taong hindi taga-hanga ng pagbabago, ay nakakaranas din nito. At ngayong magtatapos na ang taon, nais kong ilahad ang ilan sa mga mahahalagang pagbabago na aking napagdaanan:

Mayroon na akong hanap-buhay *yehey*
-Ito ay isang napakalaking pagbabago sapagkat matagal-tagal na rin akong naghahanap ng hanap-buhay na talagang nais ko. Kaya nga kung ano man yung mga napagdaanan ko nung nakaraang taon, kung ilang  ulit man akong nadapa, nagpahinga, nagsayang ng mga araw at nakipag-talo sa mga tao sa paligid ko.. hindi ko iyon pinagsisisihan sapagkat nandito na ako ngaun. Ito ang simula na matagal ko ng hinihintay, kaya nga malaki ang aking pagpapasalamat sapagkat nabigyan ako ng pagkakataon upang abutin ang aking pangarap na hanap-buhay. Batid kong malayo pa ako sa katuparan ng aking pangarap, subalit para sa akin… ang unang hakbang ang pinakamahirap gawin at heto ako ngaun, nasimulan na ang paglalakbay upang isakatuparan ang aking pangarap.

Muli akong natuto na pahalagahan ang mga tao sa aking paligid
-Lingid sa kaalaman ng aking mga taga-hanga na sa likod ng aking masayahing pagkatao ay ini-isip ko na kaya kong mabuhay mag-isa. Dati naniniwala ako na hindi ko kailangan ang tulong ng iba upang magtagumpay. Hindi ko kailangan ang iba upang maging maligaya. Na kakayanin ko lahat ng nag-i-isa. Batid kong iyon ay isang maling paniniwala subalit ninais ko iyong labanan sa pag-a-akalang ako ay tama. Pero ngayon, muli kong naunawaan ang kahalagahan ng mga tao sa aking paligid. Nagpapasalamat ako sapagkat hindi pa huli ng muling namulat ang aking mga mata at damdamin. Kaya tandaan ninyo, huwag na huwag ninyong ibali-wala ang inyong mga magulang, kapatid, kaibigan, kapitbahay, kamag-aral, kasamahan sa hanap-buhay at mga kasintahan. Pahalagahan ninyo sila at mahalin, sapagkat sila ay mahalagang bahagi ng kung sino, ano at nasaan ka ngaun.

Bagong kaalaman
-Kahit na marami ang nagsasabi na marami na akong nalalaman, batid kong kulang na kulang pa iyon. At kaakibat ng pagpasok ko sa aking bagong hanap-buhay, doon ko lalong napagtanto na hindi pa rin sapat ang aking taglay na karunungan. Ako ay namangha sapagkat hindi ko inakalang napakarami ko pang dapat matutunan, at masaya pala ang mag-aral. Dati kasi, ako ay nag-a-aral sa paaralan upang pumasa at makakuha ng isang piraso ng papel na itatapal sa dingding ng aming bahay. Subalit ngayon, ako nag-a-aral upang matuto, upang maunawaan ng lubos ang mga dapat kong unawain, at makatulong sa ikagiginhawa ng ating mundo.

Kung mayroon mang mga nagbago sa akin, mayroon din mga nanatili, katulad na lamang ng:

Mga matatalik na kaibigan
-Sila at sila pa rin, mga tao at mukhang kahit sawang-sawa ka na ay sadyang hindi mo magawang iwanan. Hehehehe! May ilan na medyo luma, may ilan na medyo nagmumukhang bago pag inihanay sa mga luma pero pare-parehas lang lahat kung tutuusin. Para sa inyo mga pare at mare, ang ating samahan nawa ay hindi magbago.

Mga hilig at pantasya
-Ang hilig ko sa tagakalkula (computer), panonood ng mga palabas na katha ng mga pintor (animated flicks) at pakikinig sa mga tugtugin ng hapon (Jpop) ay hindi na magbabago, alam na alam nyo yan. Ang pantasya naman na tinutukoy ay hindi yung mga mahahalay na imahe na pumapasok sa iyong isipan. Hehehe! Ang tinutukoy ko ay yung mga taong nais kong makita ng personal katulad ni Yui. Yui, kailan ba kita makikita ng personal? Kailan ba ako mabibigyan ng pagkakataon upang magkaroon ng larawan sa tabi mo? Yuiiiiiiiiiiiiiiii!

Paghanga
-Nitong nakaraan taon, hindi pa rin nagbago ang tao na aking hinahangaan. Nagawa ko ng ipabatid sa kanya na ako’y humahanga sa kanya. Nakakatuwa ang kanyang naging reaksyon, hindi nya isinawalang-bahala ang aking nadarama subalit hindi nya rin ito tinanggap. Kaya kung ano man ang kahihinatnatnan ng aking pagtatapat, sa ngayon ay hindi ko pa masasabi XD

Sa pagtatapos nitong taon at ng huling paskil ko para sa taon ito, nais kong magpasalamat sa lahat ng aking mambabasa, tagahanga at tumangkilik ng aking munting sulatin. Nawa’y huwag kayong magsawa sa pagbabasa ng mga walang kakwenta-kwentang paglalahad ko ng aking mga saloobin, Hanggang sa susunod na kabanata, Manigong Bagong taon sa inyong lahat! =)

Wakas

November 22nd, 2007 by i-stynx

Kinaroroonan: Silid
Petsa: Huwebes, Ika-Dalawampu’t-Dalawa ng Nobyembre
Oras: Ika-Siyam at Tatlumpu’t-Pito ng Umaga
Kasalukuyang Kalagayan: Sabog

Nagsimula ang lahat ng napagpasyahan naming pumunta sa bahay ng barkada pagkatapos ng kasiyahan dahil sa naganap na binyag noong nakaraang sabado. Matagal-tagal na rin akong hindi nagagawi sa lugar na iyon kaya’t nilubos ko ang aking pagtatagal. Tulad ng aking ina-asahan, marami na naman ang nagbago sa loob ng kanilang pamamahay at maging sa mga paligid nito. Hindi kami uminom noong mga araw na yun na kabaligtaran sa madalas naming ginagawa nitong mga huli, bagkus ay naglaro lang kami ng tagakalkula at nanood ng mga pelikula na ibinabang-buhat (download) mula sa looblambat.

Ang unang pelikula ay pinamagatang ‘Ang Kumikislap’ (The Shining), ito’y isang lumang palabas sa takilya na pinagbibidahan ni Jack Nicholson. Nagawa ng pelikulang ito na sayangin ang mahigit dalawang oras ng aming mahalagang buhay. Ito kasi yung tipo ng pelikula na kahit hindi mo nasimulan, iwan mo sa kalagitnaan, basta makita mo ang huling labinlimang minuto ay wala kang mai-iwan na mahalagang kaganapan. Hindi ka malalayo sa istorya at pag tinanong mo ang mga kasama mo kung ano yung mga hindi mo naabutan nung wala ka, isasagot nila ay ‘wala naman’. Ganun ito kawalang-saysay… tsk tsk tsk…

Kinabukasan (linggo), pinanood naman namin ang isang animasyon na pinamagatang makrus bokya (Macross Zero). Ito ay limang mai-igsing kabanata na hango sa sikat na sikat na serye noon na may katulad na pamagat. Ang mga kaganapan sa seryeng iyon ay nangyari mga sampung taon bago nagsimula iyong orihinal na pamagat. Sinasalaysay nito na maaring mayroon mga ibongmama (birdman) at mga dayuhan (aliens) na dating nanirahan sa mundo. Matapos namin itong panoorin, ako ay nakaramdam ng pangangailangan na muling panoorin iyong lumang serye. Mabuti na lamang at mayroong kopya ung kaibigan ko at nakahiram ako sa kanya.

Lunes ng umaga, ako ay umuwi sa amin, at matapos gawin ang mga gawaing bahay ay naidlip ng panandalian. Pagmulat ng aking mata, ay sinimulan kong panoorin ang seryeng makrus. Nagawa kong matapos ang unang anim na kabanata ng dinalaw ako ng antok at nahimbing ng hindi ko namamalayan.

Martes, matapos ang mga gawain ay naisipan kong lumabas upang maglaro ng Pagtatanggol ng mga Ninuno (Defense of the Ancients, aka DoTA), at habang nandun ako ay kumopya na rin ako ng mga kulang kong kabanata ng Tengen Toppa Gurren Lagan. Nakauwi ako ng mga bandang alas-dos ng madaling araw ng miyerkules, at dali-dali kong pinanood yung mga kabanata ng aking kinopyang palabas. Marahil ay mga walong kabanata din iyon. Ala-sais na ng umaga ng ako ay natapos, at ang katotohanan ay nawindang ako sa katapusan ng seryeng iyon. Hindi ko alam kung ako ba ay matutuwa, malulungkot o mai-inis sa naging takbo ng mga pangyayari. Nagulantang ako, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Ang tanging nasa-sambit ng paulit-ulit ko sa aking sarili ay.. "Putang Ina! Bakit kailangang magkaganoon?"

Nagsimula ulit ang araw, at kahit na wala pang masyadong tulog ay kailangan ko itong harapin. Paglubog ng araw, araw pa rin ng Miyerkules, ipinagpatuloy ko ang naudlot kong panonood ng Makrus. Habang pinagmamasdan ko ang mga pangyayari, unti-unting bumabalik sa aking ala-ala ang mga bahagi ng palabas na dati ko ng napanood noong ako’y musmos pa lamang. Siyempre ngayon ko lamang nau-unawaan ng maigi ang istorya, hindi katulad dati na basta may robot at marami silang pinapasabog na sasakyan lang ang mahalaga sa akin. Hehehe! Nang lumaon, nagulat ako at natapos ko lahat ng ito, maliban na lamang sa dalawang kabanata na sira at ayaw maglaro (play) akalain mong dalawampu’t walong kabanata lahat iyon. Tinapos ko sa loob ng isang gabi! @.@ Masaya naman ako sa katapusan nung serye sapagkat nakatuluyan ni Ichigo Hikaru ung babaeng may kulay putik na buhok na nagngangalang Misa Hayase at hindi yung malanding mang-a-awit na si Lynn Minmay. Subalit kahit na nangyari yung mga ina-asahan ko, pakiramdam ko ay may kulang pa rin sa istorya at hindi pa rin dapat tinapos.

Marahil ay nagtataka ka kung bakit wakas ang pamagat nitong aking lathala, balon (well) ito’y dahil sa ilang serye ang aking winakasan sa loob lamang ng maikling panahon. Wala ng mas malalim pang dahilan. Hehehe!

Isanlibong Gabi

November 16th, 2007 by i-stynx

Kamusta? Ako? Heto’t dinadalaw na naman ng mga mahahabang gabing may hatid na mga nakakapagpabagabag na pala-isipan sa aking di mawaring damdamin. Nilululong ang sarili sa mga malulumanay na tugtuging banyaga hanggang sa makatulog, kahit na hindi ko nauunawaan ang lahat ng mga kataga nito. Nakakatawa nga sapagkat tuwing naglalakbay ang aking isipan habang nalulunod sa mga himig na aking pinakikinggan, larawan pa rin ng iyong malusog na mukha ang aking nakikita. Sa sobrang nakakatawa ay parang nais ko ng lumuha sa lungkot, hehehe! Nga pala, kaya ko naisulat to kasi masyado akong tinamaan sa mensahe nitong isang kantang pinaki-kinggan ko. Ang pamagat nito ay "Sen no Yoru Koete" na nangangahulugang "Pagkalipas ng Isanlibong Gabi" pag isinalin sa sarili nating wika. Hindi ko hinanap ang kahulugan ng awit na yan sa looblambat (internet), pero tingin ko naman ay tama ang aking pagkakasalin mula sa wikang hapon. Sa kabilangdako, bumalik na tayo sa aking inilalahad kanina. Sa palagay ko, ipinababatid ng umawit na pagkatapos ng isanlibong gabi ay wala pa rin siyang lakas ng loob upang sabihin na mahal nya yung isang tao. Nais nyang sabihin na mahal nya ito, nais nyang mahalin din siya ng mahal nya. Subalit natatakot siya dahil baka hindi ibalik sa kanya ang pagmamahal na ibinibigay nya. Sa huli ay sinabi nya rin na mahal nya ito, na masarap ang pakiramdam at nasabi nya sa mahal nya ang kanyang nadarama, kahit hindi na iyon ibalik sa kanya. At dahil mahal nya ang tao iyon, masasabi nya na "Mahal kita". Nakakatawa di ba? Kasi yung umawit inabot ng isanglibong gabi, e ako ba? Nakaka-ilang gabi na ba ako? Hehehe! Teka, bago mo isipin na torpe ako, marahil naman ay batid mo na gumagawa ako ng hakbang para iparating sa iyo ang nadarama ko. Iyong nga lang masyado kang manhid para mapansin. Hindi madali sa akin ang gawin iyon, ang totoo pa nga ay nahihiya ako na natatakot tuwing lalapitan ka. Hindi mo lang siguro napapansin kasi nga manhid ka. Hehehe! Alam mo ba? Di ba matagal-tagal na rin tayong magkaibigan? At kahit na hindi na tayo masyadong nagkikita at nag-u-usap, nakakatawa sapagkat nagkagusto pa rin ako sayo. At matapos mo akong paulit-ulit iwanan at saktan ng lingid sa iyong kaalaman, inakala kong tapos na ang mumunti kong pantasya nating dalawa subalit nagkamali ako. Tuwing ganitong malamig at umu-ulan ay ang malusog na larawan ng iyong mukha pa rin ang bumabalik sa aking isipan. Nagtataka nga ako kung bakit? Hindi naman ikaw ang larawan ng kagandahan para sa akin. Ni hindi ka nga maputi o balingkinitan. Ilang beses na rin tayo nagkasama pero wala ka talagang dating sa akin noon. Nakakapanghinayang isipin ang mga panahon na iyon, mga panahon na ang tingin ko pa sa iyo ay isa lamang hamak na taga-hanga (naks). Hehehe! Buti na lang at hindi mo nababasa to kundi magugulpi mo ako gamit ang iyong matitikas na mga braso. =p

Kahitanongdaan (anyway), hindi naman ako nagmamadali. Lalong hindi rin ako takot masaktan (kasi ilang beses mo na ko sinaktan dati, di mo lang alam kasi nga manhid ka). Sa palagay ko kasi, sa ngayon ay hindi pa ako handa sapagkat wala pa akong ihaharap sa iyo. wala pa akong ipagmamalaki sa iyo. Pero tuwing dumarating ang mga gabing tulad nito, ninanais ko ng sabihin sa iyo ang aking nadarama… Tuldokbokya (point blank), walang paliguy-ligoy. Marahil, hangga’t hindi pa lumilipas ang isanlibong gabi, patuloy muna kitang pagmamasdan mula sa aking kinaroroonan. Hangga’t hindi ko pa nababago ang aking buhay, patuloy akong magmamatyag mula sa bintana ng aking silid. Nawa’y nariyan ka pa rin makalipas ang isanlibong gabi. Nawa’y pagkalipas ng isanlibong gabi, tatanggapin mo ang aking damdamin… ng buong-buo at walang pag-a-alinlangan. Kahit na hindi mo ito suklian, tandaan mo lang na kaya ko nasabi sa iyo na ‘Mahal kita’ sapagkat mahal kita. Wala ng ibang pang dahilan.

Nakapagtataka

November 2nd, 2007 by i-stynx

Hindi makapunta sa tuktok ng guhit at hindi makalabas sapagkat walang salapi ay nangangahuluhan ng isa na namang araw na puno ng pag-i-isip tungkol sa mga bagay-bagay na walang kabuluhan. Babawasan ko na ang aking nakasanayang paraan ng pasimula at agad ng tutungo sa mga bagay-bagay na kasalukuyang naglalaro sa aking kinakalawang na isipan.

Nung ako ay bata pa, ninais kong baguhin ang aking buhay sapagkat ang katotohanan ay nainggit ako sa ibang mga bata sa aking paligid. Lahat sila ay masayang naglalaro sa lansangan, samantalang ako ay nakakulong sa loob ng aming tahanan. Masaya silang nakikihalubilo sa iba pang mga bata at kahit na marurungis sila, kitang-kita ang tuwa sa kanilang mga mata. Madalas ay hindi ako pinapayagan tuwing ako ay humigingi ng permiso upang makipaglaro sa kanila. Samu’t-saring mga pagpapaliwanag ang ibinibigay sa akin.. madudungisan daw ako, papawisan daw ako, masasaktan daw ako. Noong mga panahong iyon, ipagpapalit ko ang kalinisan, kalusugan at karangyaan para sa ngiti na natatanaw ko sa kanilang mga mukha. Sa paglisan ng mga taon, ako’y unti-unting natutong tumakas upang makipaglaro sa mga batang dati kong kina-i-inggitan kahit na ang naging kapalit nito ay pananakit ng aking mga kamay at binti na dulot ng mga hagupit ng walis na inihandog sa akin ng aking mga magulang sapagkat sumuway ako sa kanilang mga tagubilin. Kung bakit bigla ko itong naalala ay hindi ko rin alam. Pero ang katotohanan, napakarami pang ibang mga bagay bumubulabog sa aking isipan.

Ni minsan ay hindi ko ninais na lumaki at kalimutan kung ano ako noon bago pa kita nakilala. Kung kaya kong limutin ang mga ala-ala nung ika’y nandito pa, anong ligaya kaya ang dulot nito? Bakit ba nung nariyan ka ay hindi man lang kita binigyan ng pansin? Tuwing ako’y iyong tinatawag, bakit hindi kita pinaki-kinggan? Tuwing ako’y iyong ginagabayan, bakit hindi kita sinusunod? Kapag ika’y may hinihingi sa akin, bakit kita pinagdadamutan? Sa aking pag gunita, ang ilan sa pinakamasasayang ala-ala ng buhay ko ay noong nariyan ka pa. Ang kasiyahan ay nawawala sa loob ng isang iglap. At tuwing ito’y nawawala, doon lang natin napagtatanto kung gaano ito kailap at kahalaga. Sa gitna ng hindi mabilang na mga bituin, may isang tala na lihim na nagmamasid sa akin. Hanggang ngayon, patuloy akong naghahanap ng mag-isa sa ligaya na maaring maglaho ng basta-basta. At ako’y naniniwala na muli ko itong matatagpuan. Kung nasaan ka man ngayon, batid kong marahil ay ini-isip mo rin ako. Pagmasdan mo ako ngayon, malaki na ang aking naging pagbabago magmula noon. Pagmamasdan mo akong muli, nakikita mo ba ang mga bagay na nanatili? Mga damdamin na hindi basta-basta nababago kahit na ilang taon pa ang lumipas. Samakatuwid, kahit hindi ko na ito ipahayag, kusa mo itong nababatid sa iyong kalooban.

Awit

September 29th, 2007 by i-stynx

Paano mo malalaman itong pag-ibig ko sayo? Pano mo mararamdaman ang tibok ng puso ko kung lagi kang kinakabahan na ika’y masasaktan? Pangako ko ang puso mo’y hindi pakakawalan. Paano mo mai-intindihan na ako’y nanabik? Kailan ko kaya madarama ang tamis ng iyong halik? Palagi mong ina-atrasan ang sugod ng nagmamahal. Nasa nama’y pagbigyan mo ang hiling ng puso ko. Subukan mong magmahal, o giliw ko. Kakaibang ligayang matatamo. Ang magmahal ng iba’y di ko gagawin, pagkat ikaw lng ang tanging sasambahin. Wag na nang, mangangamba, pag-ibig ko’y ikaw.. wala ng iba

Tuwing kita’y nakikita, ako’y natutunaw  na mistulang sorbetes sa ilalim ng araw. Ano ba naman ang lihim mo at hindi ka maalis sa isip ko? Ano bang gayuma ang gamit mo at masyado akong patay sayo? Tuwing dumadaan sa harap mo ang puso ko’y bumubulong, “Kailan ba kita makikila? Sana’y malapit na..”

Hindi ako makapaniwala, ikaw ay nasa aking piling. Hindi ako makapaniwala, ako’y iyong hinahagkan. Hindi ako makapaniwala, pag-ibig mo’y hindi na lihim. Hindi ako makapaniwala, ako’y iyong napiling ibigin. Kung ikaw ay isang panaginip, ayaw ko ng magising.

Ohh… lumapit ka… kung gusto mo akong halikan, di kita sasawayin. Alam na alam mo naman, ito’y gusto ko rin. Alam na alam mo naman, ako’y kikiligin. Sige.. lumapit ka, kung gusto mo aking yakapin, bat kita sasawayin? Laging pangarap ko’y yakapin ka rin. Alam na alam mo naman, ito’y gusto ko rin.

Hindi ko alam, kung bakit ka ganyan? Mahirap kausapin at di pa namamansin. Hindi mo ba alam na ako’y nasasaktan? Ngunit hindi bale na basta’t malaman mo lang. Sana naman itigil mo na yan. Ang kakasabi ng ‘ewan’ at ‘anong bola na naman yan?’. Bakit ba ganun? Binata’y di alam na ang ‘ewan’ ay katumbas na rin ng ‘oo’ng ina-asam. Mahal kita, mahal kita! Hindi ito bola.. ngumiti ka man lang sana ako’y nasa langit na. Mahal kita, mahal kita! Hindi ito bola, sumagot ka naman wag lang, ‘ewan’.

Nandiyan ka na naman, tinutukso-tukso ang aking puso. Ilang ulit na ba? Ini-iwasan ka hindi na natuto. Sulyap ng iyong mata, laging nadarama kahit malayo pa. Nahihirapan na lalapit-lapit pa, hindi na natuto. Isang ngiti mo lang at ako’y napapa-amo. Yakapin mong minsan at muling magbabalik sayo ng walang kalaban-laban. Ang puso kong ito’y tanging iyo lamang.

Panalangin ko sa habang buhay ay makapiling ka at makasama ka, yan ang panalangin ko. At hindi papayag ang pusong ito na wala ka sa’king piling, mahal ko iyong dinggin. At wala ng iba pang mas mahalaga sa tamis na dulot ng pag-ibig nating dalawa. At sana nama’y nakikinig ka, kapag aking sinasabing ‘minamahal kita’.

Ipagpatawad mo ang aking kapangahasan. Pinipilit ko, sana’y maintidihan. Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo.. ngunit para lang sayo ayaw ng lumayo. Ipagpatawad mo ako ma’y naguguluhan. Di ko masisi na ako ay magtangka, hindi na dapat ako pagkatiwalaan. Alam kong kailan lang tayo nagkatagpo.. ngunit para lang sayo ayaw ng lumayo. Ipagpatawad mo minahal kita agad…

Ewan ko ba kung bakit type kita? Di ka naman sexy. Kahit malabo ang pagpili ko, ti el ako sayo. Kalyeng liko-liko ang takbo ng isip ko, sabi ng lolo may toyo ang utak ko. Sabi ng lola ay humanap ng iba. May porma’t mayaman, ti el wala naman.

Mahal pala kita ngayon ko lamang nadama. Kung kailan nawala saka hinanap ka aking sinta. Kung tuluyan mang ikaw ay mawala, pikit-mata pa rin kitang hihintayin. Ganyan pala ang umi-ibig, lagi ka nang nasasa-isip. Lagi kitang naalala sa bawat saglit. ‘Tulak ng bibig, kabig ng dibdib’, ito’y kasabihan na aking nabatid.

Dito ba ang dapat kong kalagyan? Dito ba ang daigdig ko ngaun? Bakit ibang-iba sa daigdig ko noon? Dito ba ang sulok kong takda sa ilalim ng araw?

Nung natapos ko ang aking pag-a-aral, disin sana’y mayroon na akong dahilan na ihaharap sa iyo at ipagyayabang. Sa panaginip lang ako may pagdiriwang. Yaman at katangyagan sa akin ay wala, kakisigan ko ay bunga ng isang sumpa, ang aking ina ang tangi kong tagahanga. Sa panaginip lang ako may nagagawa. Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin. Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin. Doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan. Sa panaginip lang kita nahahagkan tuwina, doon lang…

Bakit kaya nangangamba sa tuwing ika’y nakikita, sana naman’y magpakilala. Ilang ulit ng nakabangga, aklat kong dala’y pinulot mo pa, di ka pa rin nagpakilala. Bakit kaya umi-iwas? Binti ko ba’y mayroong gasgas? Nais ko lang magpakilala. Dito’y mayroon sa puso ko, munting puwang laan sayo. Maari na bang magpakilala? Bawat araw sinusundan, di ka naman tumitingin, anong aking dapat gawin? Kailan? Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Kahit anong aking gawin di mo pinapansin? Kailan? Kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin? Kahit anong gawing lambing di mo pa rin pansin.

Narito ako umi-ibig, laging tulala at ligalig. Ito na naman at halos di mapakali sa damdamin na pinakamimithi. Narito ako uma-awit ng mga kundimang kay tamis. Napakataas lumilipad itong isip kalayaan ko aking ina-awit. Narito ako na lagi ng nakatingin sa mga ulap at bituin. Puso’t isip ko ay iisa ang hiwatig, narito ako.. umi-ibig.

Umiiyak ang aking pusong nagdurusa ngunit ayokong may makakita. Kahit ano pa ang hirap na naranasan yan ay ayokong kanyang malaman. Mga araw na nagdaan, kailan ma’y hindi malilimutan. Kay tamis na araw ng pagamamahalan ang akala ko’y walang hangganan. Ang pag-iiibig kong ito, luha ang tanging nakamit buhat sayo. Kaya’t sa Maykapal twina’y dalangin ko ‘sana’y kapalaran ko ay magbago.’

Pagibig ko sayo’y totoo, ni walang harong biro. Kaya sana’y paniwalaan mo ang pag-ibig kong ito. Walang ibang mamahalin, kundi ikaw lamang giliw. Kaya sana’y paniwalaan mo ang pag-ibig kong ito. Sa aking buhay ay walang kapantay. Aking pagmamahal asahan mong tunay.

Ikaw ang lahat sa akin kahit ika’y wala sa aking piling. Isang magandang ala-ala, isang kahapong lagi kong kasama. Ikaw ang lahat sa akin kahit ika’y di ko dapat ibigin. Ikaw ang lahat sa akin sa Maykapal, aking dinadalangin. Dapat ba kitang limutin? Pano mapipigil ang isang damdamin kung ang isinisigaw ‘ikaw ang lahat sa akin’? At kung hindi ngayon ang panahon upang ikaw ay mahalin, bukas na walang hanggan, haggang matapos ang kailan pa man. Bukas na walang hanggan doo’y maghihintay pa rin.

Tuldok ng Tanawin

September 24th, 2007 by i-stynx

Minsan may mga pangyayari na hindi mo lubos na mau-unawaan
kahit ilang beses pa ito magpa-ulit-ulit kung hindi mo ito mararanasan mula sa
iba’t-ibang tuldok ng tanawin. Mga bagay-bagay na mistulang walang katuturan na
nagiging makabuluhan, at mga mahahalagang yugto na puro para kabulastugan.
Marahil ay ito na nga ang tinatawag na mabakal (irony) ng buhay, kung saan
hindi mo mawari ang paglalaro ng tadhana, at kung bakit ito patuloy na
naglalaro. Mapagtatanto mo lamang na naganap ang dapat maganap dahil ito ang
nararapat maganap noon, sapagkat wala kang sapat na lakas upang wag itong
pahintulutan o marahil dahil iyon ang ginusto mo talagang mangyari. Sa palagay
ko medyo naguguluhan ka na sa aking mga sinasabi at hindi mo lubos mabatid kung
ano nga ba talaga ang nais kong ipahiwatig. Kung tutuusin, mahirap talaga ito
intindihin at pati ako ay kasalukuyang namamangha sa mga salita na lumalabas sa
aking isipan. Samakatuwid, ang mga katagang nakasaad sa itaas ay maaring walang
saysay, o isang makahulugang mensahe para sa ating lahat. Sa kabilang dako,
noong isang sabado ng gabi, habang ako ay lulan ng isang pampasaherong sasakyan
na tinatawag na dyip at tinatahak ang kalsada ng Taft, may kakatwang pangyayari
na hindi mawaglit sa aking isipan. Kakalampas lamang ng sasakyan sa ilalim daan
mula sa munisipyo ng Maynila at patuloy ang paglalakbay nito patungo sa
Baclaran ng bigla itong huminto upang maglulan ng isang magandang binibini.
Ako, katulad ng lagi kong ginagawa, ay hindi binigyan ng atensyon ang pasahero
o tuminag man lang sa aking pagkaka-upo sa bandang likuran ng sasakyan sa
pag-aakalang uupo ang binibini sa bandang unahan sapagkat medyo marami na kaming
naka-upo sa likurang bahagi. Ay ako namangha nung sumiksik ang binibini sa
aking tabi, buong akala ko ay sa unahang bahagi cia ng sasakyan uupo sapagkat
mas kumportable sa bahaging iyon. Muling umusad ang sasakyan patungo sa kanyang
destinasyon, at ako na hindi binigyan ng kahulugan ang kilos na ginawa nung
magandang binibini ay nakaramdam ng pagka-asiwa. Kakapalan ko na ang mukha ko
subalit pakiramdam ko noon ay pinagmamasdan nya ako. Ako’y pasimpleng sumulyap
sa kanyang direksyon at laking gulat ko ay nakatitig siya sa aking mga mata.
Mga ilang segundo din kaming nagtinginan ng bigla akong natauhan, agad nyang binawi
ang kanyang mga mata mula sa pagkakatingin sa akin. Ako naman ay nakaramdam ng
hiya at lalong naasiwa sapagkat hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Babatiin
ko ba siya at magpapakilala? Susubukan ko bang hingin ang kanyang pangalan?
Yayayain ko ba siyang lumabas? Habang sa pagitan ng aking pag-mu-muni-muni, may
ingay na nagmula sa pasahero na naka-upo sa aking harapan. Nakabukas pala ang
sisidlan nung mama sa harapan ko at nalaglag ang kanyang mga barya. Nung yumuko
siya upang damputin ang mga piraso ng kanyang salapi, nahulog mula sa bukas
niyang sisidlan ang isang patalim. Nakita ito ng mga pasahero sa aking tabi ay
dali-dali silang bumaba ng sasakyan, ako ay bumaba rin subalit nagulat ako ng
hindi bumaba ung magandang binibini sa aking tabi. Nais ko siyang tawagin at
sabihang lumipat ng sasakyan subalit agad ng umarangkada ang sasakyan. Habang umu-usad
ito papalayo, ako’y nakatingin dun sa magandang binibini, at siya naman ay
nakatingin sa aking direksyon hanggang sa nawala na ang sasakyan sa aking
pananaw. Nasambit ko sa aking sarili “pag pinaglaruan ka nga naman ng
kapalaran”, akala mo ay nagwagi ka na subalit iyun pala ay isang ilusyon at ang
tanging naghihintay sa iyo sa huli ay pagkabigo. Magandang binibini, kung
nasaan ka man ngayon, nawa ay ligtas ka at muli kitang makasabay sa isang
sabado ng gabi.

Habagat Amihan

August 17th, 2007 by i-stynx

Matinding hagupit ng hangin na pumapalo sa aking pisngi..
Nakabibinging sigaw ng kulog na gumagambala sa aking pagkakahimbing…
Makabulag liwanag na kidlat na naghahatid ng pangamba sa aking pananahimik…
At malalaking patak ng tubig mula sa kalangitan na kumakalampag sa aking bubungan…

Nariyan na naman ang ulan, ang panahon kung saan ako ay nawawala sa sarili. Ang panahon kung saan ako’y nakadarama ng matinding hinanakit at kalungkutan. Ang panahon kung saan lahat ng bagay sa aking kapaligiran ay sadyang nawawala sa ayos. Ang panahon kung saan wala akong ibang ninanais kundi kumitil.

Kung may mga taong galak na galak habang nagtatampisaw tuwing umu-ulan, ibahin nyo ako sapagkat kabaligtaran ang dulot nito sa akin. Kung paano ito ay nagsimula ay hindi ko na maalala, at marahil, hindi na mahalaga. Ang sa aking lang, nawa’y humupa ka na nang muli kong masilayan ang kalangitan na iyong ikinukubli sa likod ng mga ulap na puno ng poot… at kasabay sa paglaho ng mga ulap ang pagbalik ng mga bagay-bagay kung saan sila nararapat